160
Bitoy 4 beses pinakasalan ang asawa
By

Bitoy 4 beses pinakasalan ang asawa

Ramdam na talaga ang Valentine’s sa buong mundo at mas lalong masasabing “Love is in the air” dahil sa balitang pinakasalan muli ni Michael V o mas kilala bilang ‘Bitoy’ ang kanyang asawa sa pang-apat na pagkakataon.

Aba’y sobrang haba ng hair ng asawa ni Bitoy! Mukhang napaaga ang Valentine para sa kanila.

Sa kanilang ika-25th wedding anniversary ginanap ang kanilang kasal sa Amanpulo. Talagang nakadagdag romansa ang lokasyon nila sa tabing dagat!

Mas kikiligin ka talaga kung isa ka sa mga follower ni Bitoy na saksi sa Instagram post ng host/aktor tungkol sa kanilang kasal. Silhouette lang ang makikita sa litrato nila pero ramdam talaga ang romansa sa dalawa lalo na sa kissing picture at mas nakadagdag pa riyan ang panalong caption ni Bitoy na ‘I just remarried the woman I have loved for 25 years. Happy Anniversary @ayoito! I love you! Always have. Always will.’

Bumuhos talaga ang kilig at suporta ng kanyang kapwa artista para kay Bitoy! Kani-kanilang comment sila at pagbati sa host/aktor. Sina Manilyn Reynes, Chariz Solomon, Saab Magalona, Andrea Torres, Jackie Rice, Ryan Aguncillo, Bentong, Jake Vargas at marami pang ibang artista ay lubos na natuwa para sa successful relationship ni Bitoy at ng asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?