38
Bitoon, Stars martsa sa semis
By ,

Bitoon, Stars martsa sa semis

Martsa na rin patungong semifinals ng Northern Division ng MPBL Datu Cup ang Manila Stars matapos talunin sa Game 2 ng quarterfinals ang Bulacan Kuyas 92-83 Miyerkoles ng gabi sa San Andres Gym sa Maynila.

Sa harap ng kanilang tagahanga ipinamalas ng Stars ang kanilang dominasyon at tikas nang hindi pinaporma ang Kuyas.

Bumida sa tropa si Chris Bitoon na rumehistro ng 20 puntos habang nakadouble-double si Aris Dionisio — 17 puntos at 12 rebounds.

Umayuda rin si Marvin Hayes ng 16 puntos at 10 rebounds, at may 12 puntos at 10 boards si Mark Cruz para sa Stars.

“Ako, sanay akong manalo. Kapag natatalo, masama ang loob ko, pero madalas hindi ko ipinapakita sa iba. ‘Yung players na may winner’s attitude talaga ang gusto kong bumuo ng team, kaya lang minsan may mga player kang papetiks-petiks,” wika ni Manila coach Philip Cezar.

Sunod na makakasagupa ng Stars sa best-of-three semis ng North Division ang Bataan Risers ni coach Jojo Lastimosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?