136

Jun 21, 2018 @ 21:13
By

Bitoon rumehistro ng 19, Che’lu pinabagsak ang EAC

Depensa ang naging alas ng Che’lu Bar and Grill Revellers para magwagi kontra Batangas-EAC General 78-57 sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig Huwebes ng hapon.

Itinanghal na player of the game ang shifty guard na si Christopher Bitoon na may 19 points, 1 rebound, 1 assist at 2 steals.

Kooperasyon at magandang komunikasyon sa loob ng court ang sikreto ng Revellers para magwagi ng tatlong sunod sa eliminations.

“Yung defense namin at yung communication namin sa court kasi yun ang pinakaimportante ‘di ba, yung ball movements. So kapag maganda ang komunikasyon maganda rin ang kalalabasan,” sabi ni Bitoon.

Ayon pa kay Bitoon, na tubong-Tangub City, parehong strategy pa rin ang ipapamalas ng koponan sa susunod na laro nila kontra Go for Gold sa Martes, June 26.

“Magiging game plan namin is yung defense pa rin talaga at kailangan na mas maganda pa rin ang ball movement,” sabi ni Bitoon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?