31

Jun 21, 2020 @ 19:38

Bitbit na P1M droga naharang

Humigit-kumulang sa P1 milyong halaga na pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos maaresto ang 26-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa McArthur Highway sa Matina, Davao City, Sabado ng hapon.

Sa report, ayon na rin sa Philippine Drug Enforcement Agency- Davao- Region ang suspek na hindi pinangalanan ay kasalukuyang naghihimas ng rehas .

Ayon kay PDEA XI Director Antonio Rivera, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 8 pakete ng hinihinalang shabu na may timabang na 64 na gramo at nagkakahalagang P960,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek. (Riz Dominguez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?