36

Oct 6, 2021 @ 14:12
By

Bistek target ang Senado, umanib sa Lacson-Sotto

Tatakbong senador si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong araw.

Ayon sa ulat, si Bautista ay naghain ng kanyang COC dakong alas-12:02 p.m. ng tanghali sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Si Senate President Tito Sotto, na tatakbo namang bise presidente, ang chairman ng NPC.

Kaya’t sabit si Bautista sa tandem nina Sotto at presidential candidate Senador Ping Lacson.

Si Bautista ay kilalang artista bago naging miyembro ng Quezon City Council (1992-1995), Commissioner ng National Youth Commission (1998-2001) at alkalde ng Quezon City (2010-2019). (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?