21

Nov 22, 2021 @ 16:15
By

Bistek nagpa-drug test na rin

Humabol sa pagpapa-drug test ni presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson at vice presidential running mate niyang si Senate President Vicente Sotto III ang senatoriable na si dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista nitong Lunes.

Nagtungo siya sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang magpa-drug test.

Si Shane Mendez ang chemist na namahala sa drug test niya.

Kinumpirma ni Angela Salvador, na negative ang resulta ng drug test ni Bautista.

Ani Bautista, siya ang unang senatorial candidate na nagpa-drug test sa PDEA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?