By

Bistek, mamamahagi ng P5K sa iskuwater

Sharing is caring!

Nakatakdang mamahagi ng tig-P5,000 sa may 137 informal settlers sa Quezon City.

Ito ay makaraang ipasa ng konseho ng Quezon City ang resolusyon na nagpapahintulot kay Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na palawigin ang tulong-pinansiyal sa mga iskuwater na maaapektuhan ng konstruksiyon ng University of the Philippines (UP) Employees Housing Project sa Barangay UP Campus.

Ang konstruksiyon ng UP Employees Housing Project ay nangangahulugan ng relokasyon para sa mga mapapatunayang informal settlers na nakatira sa lugar.

Nakasaad sa City Resolution 7235-2017 nina Councilor Franz S. Pumaren, Godofredo T. Liban II, at Raquel S. Malañgen, ang pamamahagi ng P5K halaga sa bawat iskuwater sa Barangay UP Campus na malilipat ng tahanan sa National Housing Resettlement sa Morong, Rizal.

“To draw cooperation from the affected ISFs and also to provide them with something to start with at the resettlement site, there is a need for the Quezon City government to allocate and extend financial assistance fund to the 137 affected ISFs in the total amount of P685,000 or an equivalent amount of P5,000 per affected ISFs,” nakasaad sa resolusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?