60

Sep 27, 2020 @ 15:55
By

Bistado ng China! US spy plane nagkunwaring eroplano ng ‘Pinas

Posibleng maipit sa bangayan ng China at America ang Pilipinas dahil sa panibagong tira ng USA sa Asian country.

Sa ulat ng South China Morning Post, nagbago umano ng identification code ang isang eroplano ng US Air Force na ginagamit sa pang-espiya para magmukhang aircraft ito na nagmula sa Pilipinas.

Ito’y nasilip ng South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI), at napansin din ng monitoring agency na Aircraft Spots ukol sa spy plane ng USAF na dumaan sa Yellow Sea, na nasa pagitan ng border ng China at Korea.

Saad sa report, nang dumating na sa Yellow Sea ang RC-135S reconnaisance aircraft ay biglang nagbago ng hex code ang naturang eroplano para magbalat-kayo na eroplano ng Pilipinas, at bumalik sa orihinal na code matapos ang pagdaan malapit sa China.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahuli ang Amerika na nagbabago ng code, kung saan base din sa SCSPI ay nag-disguise na ang spy plane ng US bilang civilian aircraft naman mula sa Malaysia.

Kung may katotohanan ang paratang ng China, delikado ito sa mga sibilyan dahil noong 1983 ay pinagbagsak ng Russia ang isang eroplano mula Korean Airlines na pumatay sa 269 pasahero dahil napagkamalan itong spy plane ng Amerika.

Giit naman ni USAF Pacific Air Force head Kenneth Wilsbach, wala silang ginawang mali at sinunod aniya ang mga regulasyon para sa international airspace.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?