850

Jul 5, 2019 @ 17:34
By

Bistado na! Mga jumper puputulin ni Isko

Tapos na ang maliligayang araw ng mga gumagamit ng jumper sa Maynila.

Nitong Biyernes ay binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga gumagamit ng mga electric jumper at nakikikabit sa mga linya ng mga poste mula gobyerno.

“Mananawagan po ako muli, yung mga nakagawian niyo na dati na madidilim na bahagi, bistado na po kayo,” ayon kay Moreno.

Pinangaralan ni Moreno ang mga residente ng Maynila na mahiya dahil ang gobyerno ang nagbabayad ng kanilang mga kuryente.

“Oh tapos yung mga siga, eh Spider-man! Ita-tap tapos ‘idi-distribute.’ Di lang Meralco ang distributor ng kuryente sa Maynila,” sambit pa.

“Sayang ho, baka ma-aresto pa kayo, baka maposasan pa kayo. Gusto ba natin ‘yun?”

Kakausapin umano ni Isko ang Meralco para malinis na sa iligal na jumper ang KaMaynilaan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?