312

Jul 24, 2021 @ 10:30
By

Bisor tinodas ng manliligaw ng anak

Patay ang isang supervisor matapos ilang beses barilin ng manliligaw ng kanyang anak.

Ayon sa NBC report, nahuli ng biktimang si Dezmon Hamilton, 34, ang 17-anyos na si Nicholas Mcquirter matapos pumasok sa kanilang bahay sa pagdaan sa bintana sa Zachary, Baton Rouge, Louisiana sa Amerika noong July 18.

Gumamit umano si Mcquirter ng hagdan upang makapasok sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay para makita ang 14-anyos na anak ni Hamilton.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at suspek na nauwi sa barilan. Sugatan si Mcquirter habang patay on the spot si Hamilton dahil sa ilang tama ng bala sa katawan.

Isang kapitbahay ang nagsumbong kay Hamilton tungkol sa pagpasok ni Mcquirter sa bintana.

Sa ngayon ay nasa ospital ang binatilyo pero pagkalabas ay agad siyang aarestuhin at kakasuhan sa juvenile court ng second-degree murder, illegal use of a firearm at possession of a stolen firearm.

Batay sa nalathalang obituary ni Hamilton, isa raw itong supervisor sa oil refinery na Exxon Lubrication-Port Allen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?