7

Apr 25, 2021 @ 10:52
By

Bising layas na sa ‘Pinas

Nilisan na ng Tropical Storm Bising ang Philippine Area of Responsibility kaninang madaling-araw.

Banggit ng Pagasa sa Twitter, alas-5:40 ng umaga, Abril 25, nang umalis ang sentro ng bagyo sa PAR.


Bandang alas-3 ng umaga ay kumikilos si Bising pa-east southeast sa bilis na 25 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na hanggang 75 kph at pagbugsong aabot sa 90 kph.

Apat ang iniwang patay ng bagyo habang 13 naman ang sugatan, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Winasak din nito ang 147 bahay at naapektuhan ang 85,570 pamilya.

Umabot sa tinatayang P261 milyon ang pinsala ni Bising sa agrikultura, habang P10.5 milyon naman sa imprastraktura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,