7,032

Jun 6, 2020 @ 18:28
By

Bisikleta ipinaparehistro

Hinikayat ng Cebu City Transportation Office (CCTO) ang publiko na iparehistro ang kanilang mga bisikleta lalo na kung madalas nila itong gamitin.

Paliwanag ni CCTO spokesman Ronnie Nadera, para na rin ito sa kaligtasan ng mga biker at mamonitor ang dami ng mga bike na nasa lansangan.

Dagdag niya, ang pagpaparehisto sa bisikleta ay required ng city government sa isang ordinansa na naipasa 17 taon nang nakalipas.

Hindi raw maigting na naimplementa ang ordinansa noon dahil tingin ng lungsod ay hindi na kailangan na i-regulate ang paggamit ng bike.

Pero ngayon aniyang pangunahin na itong mode of transportation dahil sa limitadong public transport, nagtulak sa kanila ito para ipatupad ang ordinansa.

Simple lang aniya ang pagpaparehistro dahil kailangan lang magtungo ng biker sa CCTO office sa Ramos Public Market kung saan itatala ang detalye ng bisikleta at may-ari nito.

May P40 processing fee ang pagpaparehistro pero ani Nadera, sulit naman ito para sa kaligtasan ng bawat biker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?