20

Feb 27, 2021 @ 9:09
By

Bise alkalde ng Zamboanga Sibugay, kasama niya, todas sa pamamaril

Utas si Mabuhay Zamboanga Sibugay Vice Mayor Restituto Calonge at isa niyang kasama matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-3 ng hapon ng maganap ang krimen malapit sa munispyo na ikinamatay ng bise alkalde at ni Engr. Edgar Pampanga.

Sugatan naman ang isa pa nilang kasama na si Abduhari Gapor.

Nakuha sa crime scene ang ilang bala mula sa kalibre .45 na baril.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?