111

Nov 28, 2018 @ 15:15
By

Bise alkalde ng Agusan del Norte arestado matapos mahulihan ng shabu

Inaresto ng mga awtoridad ang vice mayor ng Agusan del Norte matapos umano nitong makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P700,000.

Ayon sa ulat, dinakip si Vice Mayor Glecerio Monton, ng bayan ng Jabonga, sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion sa ikinasang operasyon ng kapulisan.

Nahulihan si Monton ng 60 gramo ng hinihinalang shabu at granada.

Dinala na sa Jabonga Municipal Police Station ang suspek pati ang mga nakumpiskang ebidensiya laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?