21

Mar 25, 2021 @ 16:36
By

Birthday wish ni Duterte: Matapos na COVID pandemic

Ang kalutasan ng COVID pandemic na nagpapahirap sa maraming Pilipino ang birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang ika-76 na kaarawan sa Linggo, March 28.

Sinabi ni Presidential Spokesman Hary Roque na nakatitiyak siyang walang ibang nais ngayon ang Presidente kundi ang matapos na ang pandemya para makabalik na sa dating pamumuhay ang mga Pilipino.

Napakarami na aniya ang pinahirapan ng COVID-19 at isang taon nang nakikipaglaban ang sambayanan sa bagsik ng virus.

“I’m sure the President wishes an end to this pandemic at nais niyang lahat tayo ay makabalik po sa buhay nating mga nornal,” ani Roque.

Nais aniya ng Presidente na makabalik ang bansa sa dating tinatamasa bago ang COVID-19, na mataas na paglago ng ekonomiya at mabigyan ng komportableng buhay ang lahat ng mga Pilipino.

“Despite COVID I’m sure ang kanyang birthday wish ay matupad pa rin yung mas komportableng buhay, yung makabangon ang lahat mula dito sa pandemyang ito,” dagdag ni Roque.

Hindi naman binanggit ng kalihim kung sa Davao City iseselebra ng Presidente ang kanyang kaarawan sa Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?