166

Mar 3, 2019 @ 11:38
By

Birthday program ni Bishop David, naantala dahil sa death threat

Imbes na birthday program ay prayer vigil ang naganap sa gabi ng kaarawan ni Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David ng Diocese of Kalookan dahil sa di-umano’y death threat na natanggap nito, limang araw na ang nakararaan.

Ang vocal critic ng extrajudicial killings (EJK) na si Bishop David ay nagdiwang ng kaarawan nitong Sabado, Marso 2.

Nagsama-sama ang mga lider ng Simbahan at mga parishioner sa cathedral para sa vigil.

“More than anything else, I know that what Bishop Ambo needs most of all are prayers to protect him from all kinds of dangers,” saad ni Aurora Santiago, head ng Council of the Lady of Caloocan.

Pahayag ni Santiago, dapat ay magdiriwang ang diocese at magkakaroon ng misa na pangungunahan ni Bishop David pagkatapos ay magkakaroon sana ng feeding program para sa mga bata.

Ngunit dahil sa naturang death threat ay nag-iba ang programa.

“For over a week now my mobile phone has been buzzing with text messages written in screaming and capital letters telling me that I was next in line for execution,” kwento ni David.

“Well-meaning friends, who are worried for my personal safety, have advised me not to take this threat lightly,” dagdag pa nito.

Saad ni Santiago, nakipagkita si David sa kaniya noong Huwebes upang ipa-cancel ang ilang birthday activities dahil sa “security reasons”.

Hindi natuloy ang misa na pangungunahan sana ni David ngunit natuloy naman ang feeding program para sa mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?