781

Sep 9, 2021 @ 21:19

Birthday paandar! 82-anyos ‘millennial mom’ niregaluhan ng P.5M money bouquet

Pinanis ng magkakapatid na Baliao ang nauusong money bouquet dahil hindi lamang peso kundi dolyares ang ginamit nila upang mabigyang kasiyahan sa kaarawan ang kanilang 82-anyos na millennial mom.

Ibinahagi ng netizen na si Rolando Piamonte Baliao ang naturang dollar bouquet sa kanyang Facebook account.

Aniya, 82 pirasong US$100 na nasa P500,000 ang ginamit nila sa bouquet dahil 82-anyos na ang kanilang millennial mom noong September 8.

“Although marami na gumagawa ng ganoon, nag-isip kami magkakapatid na maiba naman ang kasiyahan na maibigay sa nanay namin, instead peso, usd na gawa namin, and may video celebrity bday greetings pa,” saad ni Baliao.

“Kasi nga in times like these kailangan ng mga tao, specially seniors na ngumiti at tumawa, ‘yun na lang ang sandata nila sa COVID stress,” dagdag niya. (IS)

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?