171

Mar 14, 2020 @ 21:44
By

Birthday ni Rico Yan, inalala ni Claudine

Hindi pa rin nakakalimutan ni Claudine Barretto ang ex-boyfriend niyang si Rico Yan.

Binati niya ang namayapang aktor, na ngayong March 14 ang kaarawan.

“Happy birthday in Heaven RY. Know that you are still loved & remembered,” caption ni Claudine sa throwback photo nila ni Rico.

Si Rico ay kilalang matinee idol noong 90s.

Pumanaw siya noong March 29, 2002 dahil sa hemorrhagic pancreatitis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?