155

By

Birthday message ni Angelica Panganiban kay Carlo Aquino, palung-palo sa netizens!

Sharing is caring!

Carlo Aquino, isa sa stars ng historical film na “Goyo: Ang Batang Heneral,” had just turned 33 years older yesterday, September 3.

Isa sa mga bumati sa Kapamilya actor ay ang dati niyang kalabtim at ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Nag-post si Angelica ng photo nila ng actor na obviously ay kuha sa soon-to-be-released movie nilang “Exes Baggage” by direk Dan Villegas.

Ani ng award-winning actress sa kanyang Instagram caption, “Sayo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang kaarawan @jose_liwanag.”

As of press time, humamig na ito ng mahigit 264 thousand plus likes at kilig mula sa followers ni Angelica, at mahigit 4,400 thousand comments naman.

Ilan sa mga nakakikilig na comments ay:

Mula kay Jv Villena (@jv_1684): “Pure love is meant to be celebrated! If this is for real, I wish you both nothing but genuine happiness that will last a lifetime.”

Wika naman ni katrina lu (@gypsydiaries): “INTENSE! (insert 3 red heart emojis) magpapamisa ako para sa inyong dalawa! this is really is it! (emoji)”

From Lala Santos- Garcia (@lalaleyedgia): “Salamat sa kilig mom and dad! hayyyyyyyy araw araw kaming sumasaya dahil sa inyo @armiearellano @cargel_1214 @ann_chinita @26neras @iamangelicap @jose_liwanag”

Galing naman kay Den Adrales (@denadralesness): “Yung tipong pag sinabing #CARGEL pagmamahal lang yung maiisip mo. Walang galit o puot. Napapalibutan kayo ng pagmamahal. Ang saya lang. You two are blessed to have each other.”

At dahil parehong loveless (loveless nga ba?) sina Angelica at Carlo, maraming followers nila ang umaasang maibabalik nila ang dating matamis na relasyon.

Ang fans ng dalawa, kinikilig. Wish nilang magkaroon ng real life romantic involvement ang #CARGEL (coined word for Carlo and Angelica) at dasal nilang mauwi ito sa simbahan at hindi lang labtim sa pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?