12

By

Birthday kasi ni Miss Venezuela kaya nanalo – Lara Quigaman

Sharing is caring!

Inanunsiyo ni Mariem Velazco ng Venezuela sa kaniyang speech na birthday umano nito nang araw na nanalo ito sa Miss International 2018.

Sa isang interview kung saan ay hiningi ang opinyon ng beauty-queen turned actress na si Lara Quigaman tungkol sa resulta ng pageant ay pabirong sinagot niya ito na birthday umano ni Miss Venezuela kaya ibinigay rito ang titulo. Dagdag pa nito, dapat ay birthday na lang din ni Ahtisa para nakuha nito ang titulo.

“Dapat birthday na lang din ni Ahtisa. Sobrang ganda ng performance niya, sobrang ganda niya.” saad niya.

Agad din namang nilinaw ni Quigaman na deserve ni Velazco ang korona dahil magaling itong magsalita at maganda naman talaga.

Matatandaang naiuwi ni Quigaman noong 2005 ang Miss International crown sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?