111

Jul 16, 2021 @ 19:27
By

Birthday girl namigay ng bisikleta, pagkain sa mga construction worker

Nagpasaya ng mga construction worker sa kanyang kaarawan ang isang babae mula sa Bacolod City.

Sa kanyang 𝟹𝟻𝚝𝚑 b𝚒𝚛𝚝𝚑𝚍𝚊𝚢 noong July 12, namahagi siya ng blessings sa may 35 construction worker.

Bukod sa mga bisikleta ay namudmod din si Egan Jasmin ng mga pagkain sa mga ito.

Aniya, napili niya ang mga construction worker dahil madalas niyang makita ang mga ito na nagsasakripisyong maglakad na lamang pauwi ng bahay dahil sapat lang ang sahod nila sa pagkain.

“I shared my blessings to 35 people whom I carefully chose to receive these simple stuff that I personally prepared. I am very much grateful for all that I have and I want to share it back to others,” sambit ni Jasmin sa Facebook post.

“I would like to acknowledge also the people who have helped me. My friends who are private individuals and want to share their blessings through me,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?