12

Sep 14, 2021 @ 16:27
By

Birthday gift! Bolick PBA player of the week

Sakto sa kanyang ika-26 kaarawan noong Setyembre 13 ay tinanghal na PBA Player of the Week si Northport guard Robert Bolick.

Tatlong laro ang binuno ng Batang Pier noong nagdaang linggo dahil huli na sila sa schedule matapos dumaan sa health and safety protocol.

Bago sumabak sa tatlong laro, 1-3 ang kartada ng Northport. Natapos ang weekend na 4-3 na sila, salamat sa kabayanihan ni Bolick.

Nag-average ang 6’1 guard ng 19.3 points, 6.3 rebounds at 6.7 assists sa tatlong sunod na panalo ng Northport kontra Blackwater, Terrafirma at NLEX.

Noong Linggo kontra NLEX ay tinabla ni Bolick ang kanyang career high na 26 points tungo sa 96-94 panalo.

Dahil dito, umangat sa standings ang Batang Pier sa nalalapit na pagtatapos ng elimination round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?