83

Apr 28, 2020 @ 13:19
By

Birthday celebration ng anak ni Pacquiao, umaapaw sa handa

Umaapaw ang handang pagkain sa ika-anim na kaarawan ni Israel Pacquiao, anak ni Senator Manny Pacquiao at Jinkee, nitong Lunes.

Kahit nasa loob lang ng bahay dahil sa lockdown, naging makulay at masaya parin ang kanilang pagdiriwang.

Sa Instagram post ni Jinkee, ipinasilip nito ang Cars-theme party ni Israel kabilang na ang larawan ng kanilang buong pamilya.

Mensahe ni Jinkee para sa kanyang anak sa kahiwalay na post, “Happy 6th Birthday, Israel my Love. May every dream and wish you have not only come true but also lead to an amazing future for you knowing that God who holds the future loves you so much!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?