517

By

Birthday boy binoga ang 5 classmate bago barilin ang sarili

Naging madugo ang kaarawan ng isang high school student matapos nitong kunin ang isang pistol sa kanyang backpack at paputukan ang lima nitong kaklase bago barilin ang sarili.

Nangyari ang mass shooting sa Southern California high school, Huwebes ng umaga (Biyernes sa Pilipinas), kung saan tumagal lamang ng 16 segundo ang buong pangyayari.

Dalawang biktima, isang 16-anyos na babae at 14-anyos na binata ang namatay sa ospital, habang ang tatlo naman ay sinugod sa Saugus High School sa Santa Clarita, California at inoobserbahan pa.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang suspek na pinangalanang si Nathaniel Berhow, na ginamit sa kanyang sarili ang huling bala sa .45 pistol, ayon kay Los Angeles County Sheriff Alex Villanueva.

Nangyari ang pamamaril bago pa magsimula ang klase, ayon sa mga opisyal, makikita sa nakuhang video ng mga pulisya na makikita ang pamamaril ni Berhow, at iniimbestigahan pa kung may koneksyon ang suspek sa kanyang mga binaril.

Ayon sa malalapit sa suspek, matalino umano ito, may girlfriend at boy scout din. Hindi pa batid ng mga awtoridad ang motibo ni Berhow sa pamamaril.

“It was one and then four quick ones, so bang, and then bang, bang, bang, bang,” ayon sa isang estudyante na tumakbo mula sa pinangyarihan ng krimen.

“We ran through the fence, luckily it was open, and we got as far away from campus as we could,” aniya pa.

Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay ang White House sa marahas na mass shooting at pinangakong tuluyan na itong mahihinto sa Amerika.

“This administration will remain resolved to bring the scourge of mass shootings to an end, and we will not rest until we end this evil in our time and make our schools and our communities safe again,” ayon kay US Vice President Mike Pence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?