49
ABANTE HARRY ROQUE SALARY INCREASE TODO EXPLAIN
Mar 15, 2018 @ 18:57
By

Biro ni Duterte kay Aguirre, may kahalong banta – Roque

Hindi dapat maging kampante sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit niya sa kulungan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kapag nakawala sa kaso ang druglord na si Kerwin Espinosa.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kabila ng pahayag ni Secretary Aguirre na itinuturing niyang “biro” lamang ng Pangulo ang naging pahayag nito matapos madismis ang kaso sa illegal na droga ng tatlong druglords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Ayon kay Roque, bagama’t minsan ay nagbibiro ang Presidente, maaaring ito ay talagang patama lalo pa at hindi talaga nagustuhan ang naging desisyon ng National Prosecution Service.

Galit aniya si Pangulong Duterte nang mabatid na ibinasura ng NPS ang kasong droga ng tatlong druglords kayat ipinare-review nito agad ang kaso.

“While you don’t take the President literally, you must take him seriously. He could consider this as a joke, and in fact he was rather jokingly… he said it in rather jokingly manner. But from the almost six months now that I’ve worked closely with the President, he doesn’t waste words. Unlike me, I’m very verbose ‘no. But the President does not waste words. I think the message is: He is not happy with the decision,” ani Roque.

Nagtitiwala pa naman aniya si Pangulong Duterte kay Secretary Aguirre pero malinaw ang utos ng Pangulo na tingnan kung ano ang maaring gawin para mapalakas ang kaso laban kay Espinosa.

Sinabi ni Roque na malalaman naman kung nawala na ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanyang opisyal, ito ay kapag sinibak na ito sa puwesto.

“Always take the President seriously. Siguro po the trust remains dahil kung hindi naman, sisisantihin po siya ng Presidente. And the President has not hesitated to fire even members of the Cabinet. For as long as he has not been fired, he enjoys the trust and confidence of the President… as, you know, as is the case with all of us,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?