148

Aug 5, 2020 @ 18:19
By

Birdie ni Rico Blanco pinagtawanan

“Surreal.”

Ito ang tema na iniisip ni Rico Blanco nang ipinta niya ang isang ostrich na dinadaanan ang kalsada na may naglalakihang mga gusali.

Akda niya ito, 15 taon nang nakalilipas.

Binahagi ito ng singer-songwriter sa Facebook ngayong Miyerkoles, isang araw matapos mawindang ang mga residente sa isang private subdivision sa Quezon City sa dalawang nakawala at tumatakbong ostrich.

Tila nag-time travel si Rico dahil kahawig ng 15-anyos na painting ang eksena sa video ng higanteng ibon–‘yun nga lang, hindi building kundi mga bahay ang dinaanan nito.

Samantala, 2 oras lang mula nang i-post ang akda ay lumikom na ito ng 21,000 reactions mula sa mga netizen, kabilang ang 14,000 “haha” reactions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?