468

Dec 7, 2021 @ 15:42
By

Birdie ni Bitoy natsugi

Nagluluksa ang comedian na si Michael V.

Biglaan kasi ang pagkamatay ng kanyang alagang bird, na isang sun conure at may pangalang Pepper.

Sa Instagram, gumawa siya ng mahabang sulat na may pamagat na “For Pepper” at nag-share ng video at litrato ng kanyang alaga.

Aniya, nadale raw ng pusa ang kanyang ibon.

“It’s our first time losing a pet after a long while. Hindi ‘yung nawala o naligaw o ninakaw kundi ‘namatayan’ ng alaga,” saad ni Bitoy.

“December 6, around 3 pm, ‘yun na… nadale daw si Pepper ng pusa. Sabi ng household namin, lumipad daw si Pepper sa bakod and as soon as he landed, the cat got him by the head and dragged him away. Wala nang nagawa ‘yung mga tao namin sa sobrang bilis ng mga pangyayari. At siyempre, hindi mo rin naman masisi ‘yung pusa.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?