388

Mar 16, 2020 @ 11:07
By

Bird flu tumama sa Jaen, Nueva Ecija

Kinumpirma ngayong Lunes ng Department of Agriculture (DA) na meron nang bird flu outbreak sa Munisipalidad ng Jaen sa Nueva Ecija.

Gayunman, tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI), sa ulat ng Inquirer.net, na bihira lang ang human transmission ng H5N6 strain.

Huling nagkaroon ng H5N6 avian influenza sa bansa noong 2017.

Ito, ngayong kinahaharap pa rin ng mga magbababoy sa bansa ang African swine fever, at ng mga Pilipino ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?