34

Nov 17, 2021 @ 16:54
By

Bird flu maaring makapasok sa Pinas – SINAG

Hinihimok ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) ang gobyerno na ihinto ang pagpasok ng imported na manok dahil sa paglaganap ng bird flu sa Asya at Europa.

Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, dapat natuto na raw ang gobyerno nang makapasok ang African swine fever at coronavirus dahil hindi naghigpit ang bansa.

“Dapat natuto na tayo sa African Swine Fever (ASF) at sa COVID-19 pandemic. Nakita natin ang kahalagahan ng masusing pagbabantay sa mga papasok sa bansa,” saad nito.

Dagdag pa dito, sinabi ni So na nagkaroon na ng bird flu outbreak sa ibang bansa gaya ng Sount Korea, Japan, at Norway.

Aniya, tanging ang Pilipinas lang ang walang standard inspection sa mga papasok na imported na pagkain.

“We are the only country that is not applying the global standard of quarantine inspection at the port of first entry of any imported food, food products and agricultural commodity to ensure food safety and public health security, amidst the global COVID-19 pandemic,” giit ni So.

Ang bird flu, na kilala rin bilang avian influenza, isang uri ng A influenza virus. Ito ay nakamamatay sa mga manok at posibleng nakamamatay sa mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?