bir1

BIR sa taxpayers: Wala nang palugit sa April 16 deadline

Sharing is caring!

Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lahat ng taxpayers na hindi na sila magbibigay ng palugit sa pagpa-file ng 2017 Annual Income Tax Returns (ITR) at pagbabayad ng buwis na hanggang Abril 16 na lang.

Ayon sa BIR, ang lahat ng isusumiteng ITR at babayarang buwis matapos ang itinakdang petsa ay papatawan na ng penalties batay sa Tax Code.

Dahil pumatak ng Linggo ang Abril 15, 2018, inilipat ang deadline sa Abril 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?