31

Aug 24, 2021 @ 13:38
By

BIR may hinala: ‘Couple’ binura channel para iwas-buwis

Pinaghihinalaan ng ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pag-iwas sa pagbabayad ng buwis ang dahilan kung bakit binura ng isang ‘couple’ ang kanilang YouTube channel kamakailan.

Ayon sa isang ulat mula sa ilang opisyal ng BIR, kumikita ng nasa P50 hanggang P100 milyon ang couple na hindi nila pinangalanan ngunit mayroon daw mahigit 11 milyon subscribers sa YouTube.

Hinala ng BIR, iniiwasan ng dalawa ang pagbabayad ng malaking buwis. Nangyari raw kasi ang pagbura ng YouTube channel ilang araw lang matapos ianunsyo ni BIR Commissioner Caesar Dulay na bubuwisan na ang kita ng mga social media influencer (SMI).

Babala ng BIR, hahabulin pa rin nila ang ‘couple’ depende sa kalalabasan ng kanilang imbestigasyon.

Kamakailan, binura ng couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, mas kilala sa tawag na ‘JaMill’ ang kanilang YouTube channel na may mahigit 11 milyon subscribers.

Ayon sa dalawa, pagtutuunan daw nila ng pansin ang kanilang relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?