203

Mar 8, 2018 @ 13:36

BIR kinasuhan ng tax evasion ang Rappler

Tuloy-tuloy ang kinakaharap ng problema ng online media site na Rappler.

Kanina (Huwebes), sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion ang Rappler Holdings Corporation (RHC) dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na umabot sa P133.8 milyon at sa pagkabigong magbigay ng tamang impormasyon sa kanilang Annual Income Tax Return (ITR) at Value Added Tax Returns (VAT) sa taong 2015.

Pinangalanan bilang co-respondents ng RHC sina Rappler president Maria Ressa at treasurer James Bitanga.

Sa isang statement, sinabi ng BIR na hindi nagbayad ang RHC na income tax at VAT para sa pagbenta ng Philippine Depositary Receipts (PDRs).

Batay sa kanilang imbestigasyon, sinabi ng BIR na binili ng RHC ang common shares sa Rappler Inc. sa halagang P19.1 milyon.

Kalaunan ay ibinenta ng kumpanya ang kanilang PDRs sa dalawang foreign investors sa halagang P181.7 milyon gamit ang common shares na kanilang bili sa Rappler Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?