gerald-anderson
By

Binyag ni Anderson sa MPBL, hinarang ng hamstring injury

Sharing is caring!

Naurong ang debut ng actor-baller na si Gerald Anderson sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nang atakihin ito ng hamstring injury.

Pilit na ginawan ng paraan ni Anderson ang injury para makasampa sa pagbubukas ng MPBL Datu Cup Martes ng gabi sa Araneta Coliseum.

“Nagkataon na nangyari yung injury sa akin week before. Sinubukan ko gawin lahat. Medyo malungkot at broken-hearted ako kanina. Matagal ko ito inabangan, but ganun talaga,” sabi ni Gerald.

Nagsilbing cheerleader na lamang si Anderson ng Marikina Shoemasters na nagwagi kontra General Santos Warriors 88-81.

“Okay naman, parang kumbaga kung liga-liga lang ilalaro ko talaga ito. Pero ibang level ito eh,” sabi ni Anderson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?