394

By

Binuong pool ni Guiao, pinakamahusay na batch ng Gilas – Toroman

Sharing is caring!

Kung may isa man sa tunay na nakaaalam sa tunay na kakayahan ng Gilas Pilipinas, ito ay walang iba kundi ang pinakaunang coach ng programa na si Rajko Toroman.

Sa panayam ng Spin.ph sa dating Gilas coach, kumpiyansa itong muling magiging Asian powerhouse ang PH national team lalo sa mga naglalakihang manlalaro nito.

Kasama sa 20-man pool ang ilang mga natural center, sina four-time PBA MVP June Mar Fajardo, 7-foot behemoth Greg Slaughter, 6-foot-6 Japeth Aguilar, at dagdag pa ang high school sensation na si Kai Sotto.

Dahil dito, tinuring ni Toroman ang ngayong batch ng kanyang dating hinawakan na basketball program na ‘the best team ever’.

Noong kanyang panahon, malaki aniya ang kanyang problema pagdating sa height, sinabi na si Asi Taulava lang ang kanyang inaasahan pagdating sa height department.

Sa kabila nito, hindi lang mga tore ng Gilas ang dapat pansinin ng international counterpart.

Ang backcourt umano ng Gilas ay kasabik-sabik ring panuorin, lalo’t kasama sa pool ang mga beteranong sina Paul Lee, Jayson Castro, Paul Lee, LA Tenorio at Gabe Norwood.

At kahit wala pa umano si Blatche, sigurado ang Serbian coach na ilista na dapat ang panalo kontra sa Iran at Kazakhstan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?