39

Jan 21, 2020 @ 9:10
By

Binulilyaso ni Hallasgo si Tabal sa ika-7 korona

Pinagdiinan ni Christine Hallasgo na ‘di tsamba ang pagsilat kay Mary Joy Tabal tungo sa pagharbat ng medalyang ginto sa nakaraang buwang 30th Southeast Asian Games PH 2019 women’s marathon sa Capas, Tarlac.

Sa 43rd Milo Marathon National Finals 2019-2020 Linggo ng umaga sa Tarlac City Plazuela, muling binulaga ng Bukidnon bet ang Cebuana, binulilyaso ang two-time SEA Games gold medalist sa pampito nitong korona rito sa 2:52:23 clocking sa 42.195K footrace.

Nakuntento si Tabal sa segunda sa sa karerang tumapos s may 11 yugtong karerahan na nagsimula noon pang Hulyo.

“Hindi ko ini-expect na manalo rito, at matatalo ko uli ang idol kong si Mary Joy,” ani Hallasgo na tumanggap ng P150, cash prize at isang full-marathon all-expense paid sa abroad sa taong ito.

Ang taga-Cagayan de Oro na si Jerald Zabala ang naging bagong hari sa 2:31:55 para gayang premyo ni Hallasgo. Ika-2 si Richard Salano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?