222
Binukulan! Bikoy tinakbuhan daw ng Otso Diretso, P500K ‘di binayaran
May 23, 2019 @ 17:39
By

Binukulan! Bikoy tinakbuhan daw ng Otso Diretso, P500K ‘di binayaran

Sa panibagong alegasyon ni Peter Joemel Advincula, na iginiit na siya si alyas Bikoy, dinawit niya ang Liberal Party, ang Otso Diretso, sina Senadora Leila de Lima, Risa Hontiveros at Senador Antonio Trillanes IV para sa kumalat na “Ang Totoong Narcolist” video.

Sa kanyang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Advincula na mayroon siyang kasong estafa at kinakailangang magpiyansa ng P500,000 para hindi makulong.

Dahil umano sa pangangailangang ito kaya napilitan umano si Advincula na tanggapin ang offer nina Trillanes at Liberal Party.

“Pagkatapos ng proyektong yan ang pangako, bibigyan ako ng pera, tutulungan ako. Pag ang nakaupo si Vice President Leni Robredo as the President of the Republic of the Philippines, ia-absolute pardon ako sa lahat ng kaso ko at bibigyan ako ng posisyon sa gobyerno,” saad ni Advincula.

Ngunit nang walang makapasok na Otso Diretso sa halalan, bigla umano siyang iniwasan ng mga ito at hindi na na-contact pa.

“Hindi naibigay sakin ang P500,000. After the election, noong natalo ang Otso Diretso, unti-unti na silang nagsi-alisan,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?