184

Jun 12, 2020 @ 21:08

Binuking nina Bong, Jinggoy: FPJ daks

 Naaliw naman kami sa IG post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis tungkol sa yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Da King Fernando Poe, Jr.

Aniya, hanggang sa namatay raw si Da King ay hindi ito nag-text na that time ay usong-uso at bagong technology pa.

“Alam mo ba Salve na hanggang namatay si FPJ o Fernando Poe Jr hindi siya nag-text? Narinig ko iyan ng magkuwentuhan nuon sila Rudy Fernandez, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

“Tawanan sila kasi nga usong uso na nuon iyon text, pero hindi pala ito ginagawa ni FPJ.

“Kasi nga malaki daw ang mga daliri ni FPJ kaya hirap siya mag text dahil nasasakop ng isang daliri niya ang halos 3 letters kaya madalas namamali ang text niya. Hindi nga ba iyang madalas mangyari pag nagmamadali ka sa text , namamali ang pindot ng letter?

“Kaya basta text mo nuon si FPJ sagot sa text mo ang call niya sa phone , dahil nga ayaw niya mag text. Bongga di bah !” pagre-recall ni Nay Lolit.

Mas bongga ang talent manager/columnist dahil up to now ay natatandaan pa niya ang mga bagay na ‘yun which means, sa edad niya ay sharp pa rin talaga ang memory niya.

Gary bihirang dumepensa kay Gab

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gab Valenciano last Thursday (June 11) ay nagbigay ng napaka-touching na pagbati ang ama niyang si Gary Valenciano sa kanyang Instagram account.

Makikita sa mensahe ni Gary kung gaano niya kamahal ang anak at kung gaano siya ka-proud dito.

“You’re now 32 son. You’ve already gone through what most would rather not go through. You’ve been hit, you’ve been targeted, you’ve been judged and unforgiven in so many ways by people who don’t know much about who and what you really are. Yet here you are son…living with certain conditions that most will never fully understand; reaching out to those only you would understand.

“And that for me, tells me who you really are. You are so blessed son…much more than just being a Valenciano, but because of how God has chosen you despite all the bashing and hatred hurled at you, to shine with compassion for those in need..

“Rarely have I come to your defense because it’s a waste of time trying to explain to those with no heart. But that is one thing you have so much of son…HEART!!! There’s one thing that God revealed to me recently during my time with Him and I’d like to share it with you.

He isn’t after the perfection of our performance but the persistence of our pursuit…of Him. It was never promised to be an easy task to follow Jesus son, but you have proven time and time again that you are passionate with the things you love and you are willing to persevere for those who mean so much to you.

“So let all others say what they want to…He sees your struggles and how you’ve chosen to cope with it…oh and He sees all of what those others do too. I know who He’s smiling on

“Love you son. We all do. Have a happy happy happy bday k? I hope you feel my hug in your spirit. Can’t wait to see you again…soon!!!!” ang buong nilalaman ng birthday message ni Mr. Pure Energy sa pangalawang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?