218

Nov 17, 2021 @ 21:54
By

Binuking ni Xian: Diego binibisita si AJ

May bagong tsismis ang binansagang “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.

Sa kanyang Facebook post, isiniwalat ni Xian na binibisita ni Diego Loyzaga si AJ Banal.

“Diego Loyzaga may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila?” sey ni Xian.

“Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila,” tanong pa ni Xian.

Mayroon na itong 95K reactions at 33K shares.

Sa gitna ito ng espekulasyon na si Barbie, na girlfriend ni Diego, ang dahilan ng hiwalayan ng dalawang sikat na influencer na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.

Bago nito, nag-trending ang pa-blind item ni Xian tungkol sa isang male influencer na nahuli sa akto ng kanyang influencer girlfriend habang may kasamang babae sa isang hotel sa Parañaque.

Hinala ng mga netizen, ang tinutukoy ni Xian na influencer couple ay sina Wil at Alodia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?