50

Jul 4, 2022 @ 18:32
By

Binuking ni Willie: AMBS eere sa Setyembre

Ibinunyag ni Willie Revillame na sa Setyembre 2022 opisyal na mapapanood sa telebisyon ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Kinumpirma ito ni Revillame sa ulat ng PEP.ph.

“AMBS will be on air by September,” saad ni Revillame.

Nitong Hunyo 24 lang ay nagkaroon ng test broadcast ang AMBS, na pagmamay-ari ng negosyanteng si Manny Villar.

Matatandaang nakakuha din ng ilang frequency ang AMBS mula sa ABS-CBN.

Inaasahang isa si Revillame sa mga magiging pangunahing bituin ng AMBS. Ang TV host ay huling naging parte ng GMA. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?