404

Apr 6, 2019 @ 15:47
By

Binigay lahat! Blatche nabanas sa nanay ng anak

Hindi nagpatinag ang Philippine national team naturalized player na si Andray Blatche matapos maghain ng petisyon ang nanay ng kanyang anak para sa child support.

Sa Instagram, ipinabatid ng 32-anyos na forward/center ang kanyang pagka-badtrip kay Christi Gonzales, ang ina ng kanyang 2-year old na anak na si Andray Blatche Jr, dahil tila pinapalabas nito na hindi niya naibibigay ang pangangailangan ng kanyang supling.

Saad ni Blatche, kanyang ginawa ang lahat para kay Gonzales kahit hindi nito ipinapakita sa kanya ang kanyang anak.

“I gave u everything u asked for money a house a car cash n ur pocket but that’s not enough even after u won’t let me see my son,” pakli ng dating NBA player na huling naglaro sa Brooklyn Nets.

At kahit umano hindi sigurado si Blatche noong una kung siya nga talaga ang ama ng bata ay kanya agad kinupkop ito.

“While I didn’t even kno if he was mines at first but like a man I stepped up took the chance even b4 I knew 100%,” aniya pa.

Tanging hiling lang ng Filipino citizen ay makita at makapiling ang kanyang anak na pilit umanong inilalayo sa kanya ni Gonzales.

Marami ang pumuri sa pagsasapubliko ni Blatche sa kanyang kinakaharap na problema at nanindigan din ang manlalaro na hindi niya buburahin ang nasabing post.

View this post on Instagram

@c.gonzales__ I gave u everything u asked for money a house a car cash n ur pocket but that’s not enough even after u won’t let me see my son told my family to chill give her time to warm up all for u to have me drive my fam to u to c my son and still do this that’s wild it’s not bout me being a dad it ur own greed when u got a dui who was rite there to help u please don’t name a family member other than me but your a great mom that keeps there child from seeing there dad all praise u mean while I didn’t even kno if he was mines at first but like a man I stepped up took the chance even b4 I knew 100% but ur America best mom now lord knows when I’ll be able to c my son again that’s the only power u have over me is me seeing my baby who keeps there son from there dad

A post shared by Andray Blatche (@draylive) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?