104

Jun 15, 2019 @ 17:01
By

Binibining Pilipinas beauty queen nanumpa na bilang abogada

Pinatunayan ng Cebuana beauty queen na si Karla Bautista-Siao na isa siyang ehemplo ng “beauty with brains” matapos manumpa na bilang abogada sa Philippine International Convention Center noong Huwebes kasama ang 1,800 na iba pang bagong lawyer.

Sumabak si Bautista-Siao sa Miss Cebu noong 2003, sumunod sa Binibining Pilipinas noong 2004 kung saan siya ang nagwaging Binibining Pilipinas world title.

Sa kaparehong taon kinatawan niya ang bansa sa Miss World beauty pageant na ginanap sa Sanya, China.

Nakapasok siya sa Top 5 at nanalong Miss World 2004 Queen of Asia and Oceana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?