278

By

Binay vs Binay sa pagka-alkalde sa Makati, kinumpirma

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senadora Nancy Binay na may girian ang mga kapatid na sina incumbent Mayor Abigail Binay at dating Mayor Jejomar ‘Junjun’ Binay na kapwa gustong kumandidato sa pagka-alkalde ng Makati City.

Ayon sa senadora, sisikapin ng kanilang pamilya na maresolba ito upang hindi umabot sa tapatan ang mga nakababata niyang kapatid.

“As of the moment, hindi na muna ako magsasalita dahil pag-uusapan pa. Susubukan naming ayusin,” sabi ni Senadora Binay sa panayam nang magtungo sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.

Idiniin nito na ‘normal’ lang ang iniulat na gitgitan ng mga kapatid para mamuno sa Makati.

“‘Di ba parang normal lang naman din sa isang pamilya ‘yung may ganitong pinagdadaanan? So, kumbaga, isa lang ito, like a normal family,” sabi ng senadora.

“Basta ako, at the end of the day, ano man ang maging resulta pagkatapos ng May 13, 2019, magkakapamilya (kami),” dagdag pa nito.

Tumungo ito sa Comelec headquarters dahil sinamahan sa paghahain ng kandidatura para sa pagka-senador ang isang kasapi ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Atty. Dan Roleda.

Si Senadora Nancy ang pangulo ng UNA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?