3

Aug 6, 2020 @ 14:12
By

Binay, Saguisag nagpetisyon vs Anti-Terror Law

Nakiisa sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Senador Rene Saguisag at iba pang abogado sa mga naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humihiling na ipawalang-bisa ang bagong Anti-Terrorism Law.

Nabatid na pang-25 petisyon na ang inihain ng Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL) laban sa Anti-Terrorism Law.

Hiniling din ng mga petitioner sa SC na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang pagpapatuoad ng batas habang nakabinbin ang mga petisyon hinggil dito.

Kabilang sa mga kinukuwestiyon ng CLCL ang depinisyon ng “designated person” sa ilalim ng batas na umano’y nagdudulot ng “chilling effect” at nagbibigay sa mga law enforcer ng “unbridled discretion” sa pagpapatupad ng probisyon.

Gayundin, ang kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council (ATC) na pahintulutan ang mga law enforcer o militar na isailalim sa kanilang kustodiya ang mga pinaghihinalaang terorista.

“The authority issued by the ATC to arrest suspected terrorists is not a substitute to the warrant of arrest under the Constitution. It short-circuits the right to due process under the Bill of Rights and must be impugned as a repugnant violation of fundamental rights,” ayon sa CLCL.
Ayon sa CLCL, ang warrantless arrest ay pinapayagan sa ilang kondisyon hindi base sa suspetsa o hinala lamang at ang 24 oras na detensiyon sa inarestong suspek ay labag sa karapatan sa due process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?