104
Binay sa LGUs: Galaw-galaw na kontra dengue
Jul 18, 2019 @ 14:28
By

Binay sa LGUs: Galaw-galaw na kontra dengue

Dahil sa tumaas na kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa, nanawagan si Senadora Nancy Binay sa local government units (LGUs) na gumawa na ng kaukulang plano at huwag nang hintayin pang umabot ito sa epidemya.

Iloilo City councilor nadale ng dengue

“Habang may panahon pa, huwag na nating hintayin pang umabot sa epidemic proportions ang sitwasyon ng dengue,” sabi ni Binay.

Fogging laban sa dengue, isinagawa sa Caloocan

Ayon sa senadora, magiging krusyal ang papel ng LGUs sa “mapping” at “monitoring” ng insidente ng dengue outbreak.

National dengue alert itinaas ng DOH

Puwede rin silang tumulong sa pag-mobilize ng barangay sakaling kailangang gumawa ng epidemic preparedness at response plan.

Para iwas dengue: Mga classroom lagyan ng mosquito screen – Recto

“The LGUs can help in providing information of unexpected outbreaks in barangays, municipalities where dengue cases were under-reported or never previously reported,” ani Binay.

20 patay sa dengue outbreak sa Iloilo

Nauna nang nagdeklara ang Department of Health (DOH) ng “national dengue alert” kasunod ng muli na namang pagtaas sa bilang ng mga nagkaroon ng nasabing sakit na mula sa mga kagat ng lamok.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na mula noong Enero 1 hanggang Hunyo 29, 2019, ay umakyat na sa 106,630 dengue cases ang naitala nationwide.

Sabi ni Binay, Enero pa lang ay nagbigay na ng advisory ang DOH subalit tila wala umanong pumansin dito hanggang sa magdeklara na sila ng dengue alert nitong Hulyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?