10

Feb 18, 2021 @ 14:12
By

Binay sa gobyerno: Transport sector buksan na!

Nanawagan si Senadora Nancy Binay sa pamahalaan na buksan na ang sektor ng transportasyon nang sa gayon ay mapagsilbihan na nito ang mga manggagawa sa bansa.

“Ang call ngayon is to open up the transportation sector because at the moment yung mga jeepney drivers natin, majority of them hindi pa nakakapasok,” pahayag ni Binay sa panayam sa ANC.

“So how do we expect the labor force to go work if wala silang transportation?. Ang naririnig ko, ang suggestion lang nila is to allow bigger capacity for different types of transportation,” saad pa nito.

Nanawagan din si Binay sa palakasin ang operasyon ng mga bus sa mga probinsiya.

“Ang call ko is to allow more public transportation sa ating mga kalsada ngayon, kasi nga yung jeepney drivers natin hanggang ngayon, majority of them, hindi rin kumikitam,” sabi pa ni Binay.

Nauna nang ipinanukala ni National Economic and Development Authority (Neda) acting chief Karl Chua na palawagin sa 75 porsiyento mula sa kasalukuyang 60 porsiyento ang public transport capacity para hindi mahirapang bumiyahe ang mga kawani sa bansa.

<iframe width=”560″ height=”315″ src=”https://www.youtube.com/embed/b_NH1oWV7CE” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?