40

Sep 12, 2021 @ 17:44
By

Binay nagpalakas ng tuhod

Mukhang literal na tatakbo sa 2022 si dating Bise Presidente Jejomar Binay sa kanyang home workout ngayong Linggo.

Sa edad na 78, bibo si Binay sa paggamit ng stationary bike sa loob ng kanyang tahanan.

Sa video na kanyang ibinahagi sa Twitter, sinabayan pa niya ito ng kantang ‘Eye of the Tiger.’

“Bawal lumabas, workout workout na lang muna,” saad sa caption ni Binay.

Si Binay ay isinama sa senatorial lineup ng Panfilo Lacson – Tito Sotto tandem sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?