218

Oct 8, 2021 @ 20:56
By

Binay binanatan Comelec sa ‘special treatment’ sa PDP-Laban

“Napaka-unfair naman.”

Ito ang banat ni Senadora Nancy Binay dahil sa umano’y pagbibigay ng Commission on Elections (Comelec) ng “special treatment” sa administration candidate nang maghain ng certificate of candidacy nitong Biyernes.

“@COMELEC Do you really have to give special preference to the PDP-Cusi Wing? Napaka-unfair naman. We followed your rules sa Sofitel Tent, then you accommodated the candidates of PDP and broke your own rules?” palag ni Binay.

“If you can’t be fair & impartial, then what will #Halalan2022 be like?” dagdag niya.

Ayon kay Binay, halos lahat ng protocols ng Comelec ay nilabag umano ng mga PDP-Laban candidate tulad ng three-person limit rule, physical distancing at health clearance requirement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?