623

By

Binawasan bago i-deliver: Staff ng Gardenia, papanagutin

Viral ang isang video nang mahuli sa akto ang isang delivery boy na binuksan ang bagong pack ng Gardenia bread at binawasan bago i-deliver.

Binanatan sa social media ang delivery boy, na game na game na kumuha ng tinapay sa sealed package ng loaf bread na hindi rin nakasuot ng gloves.

Naglabas ng pahayag ang Gardenia, pinangakong papanagutin ang delivery staff na nahuli sa akto.

“Gardenia is saddened about this unfortunate incident, and we are currently investigating this matter,” ayon sa kompanya.

“This is definitely against Gardenia quality policy. We are taking immediate and necessary action, and rest assured that this will be given highest priority. Thank you very much.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?