220
arrested
By

Binatilyong PWD ginahasa ng kapitbahay

Swak sa piitan ang 50-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kanilang kapitbahay na binatilyong ‘Persons with Disabilities’ sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Batay sa report sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 na pinamumunuan ni P/Supt. Joel Villanueva, nakapiit na ang suspek na nakilalang si Arturo Tolentino, 50-anyos, residente ng Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Ayon sa pahayag ng pamilya ng 17-anyos na biktima na itinago sa pangalang Ronnie, nitong mga huling araw ay napapansin na nila ang pagiging malungkutin at tila balisa ng binatilyo kaya tinanong nila ito kung ano ang problema.

Doon ay saka lamang inamin ng binatilyo na siya ay pinagsamantalahan ng nasabing suspek na kanilang kapitbahay at idinetalye nito ang mga pinagawa at ginawa sa kanya.

Agad namang nagreklamo ang pamilya ng biktima sa Batasan Police at naaresto ang nasabing suspek na umamin na pinagsamantalahan niya ang binatilyo.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa kaniya dahil bukod sa menor-de-edad ang biktima, ito ay may kapansanan pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?