706
rape
Oct 25, 2017 @ 11:13

Binatilyong gumahasa sa 5 anyos, timbog!

Nasa kustodiya na ng Manila police ang isang 16-anyos na lalaki dahil sa ginawang paghalay umano sa isang 5-taong gulang na batang babae.

Ang suspek na itinago sa pangalang Erwin, ng Paco, Maynila,  ay dinakip  ng mga tauhan ng District Intelligence Divisiion ng Manila Police District sa pangunguna ni P/Senior Inspector Jake Arcilla.

Ginawa ang pagdakip sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Silverio Castillo ng Manila Regional Trial Court Branch 48.

Si Erwin ang itinuturong humalay sa biktimang itinago sa pangalang Amor,  na naninirahan sa kabilang kalye ng lugar ng suspek.

Sa salaysay ng ina ng bata, isang taon na umano ang nakararaan nang marinig niya  ang kuwentuhan ng kanyang anak at ang kalaro nito na kapatid ng binatilyo.

“Noong una po gusto ng mga magulang ng binatilyo na aregluhin yong kaso ng anak ko at magbibigay daw sila ng P30,000, pero hindi ako pumayag” ayon sa ginang.

Dahil menor de edad, ang suspek ay pansamantalang nakalaya sa pamamagitan ng paglalagak ng P120,000 na piyansa. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?